Friday, November 5, 2010

Pisara

Pisara



Sa aklat na luntian/ ang isinulat: luha

Kaya walang mabasa/kahit isang talata

Kinabisa’t inisip/mula pa pagkabata

Tumanda’t nagkauban/hindi mo maunawa



Pansin ko ay nabaling/subalit naisulat

Sa pisara ng isip/isang bunton ng layak

Ito’y luntiang kulay/at may kwadradong sukat

At basahang pambura/sa yesong nakasulat



Ang tabla kulay berde/ang tangan ay yeso

Sinulat A,B,K,D/kumpas ng aking guro

Hated ay karunungan/mga nais matuto

Inilagay sa isip/pati na sa puso



Kahit may kalumaan/ito pa rin ay gamit

Sa mga alphabeto/malaki o maliit

Pang unawa’y lawakan/sa isipan sumiit

Sa malapad na pader/ito ay nakadikit



Maraming kabataan/sa iyo’y umaasa

Batid ay kaalaman/bata man o matanda

Huwag sanang mabigla/kung tao ay dumagsa

Dahil hangad lang nila/matutuhang maganda



Nakasulat sa aklat/doo’y ipaglilipat

Para sa harap niyo’y/maging karapat-dapat

At sa karunungan ay/hind imaging salat

Kahit kaninong tao/pwede na rin itapat



Sa iyong unang tingin/parang walang halaga

Hindi mo ba naisip/lahat ng nakapasa

Ito’y kanilang gamit/noong sila’y bata pa

At nagiging sulatan/ng bawat letra


Iyo ring pag-isipan/tunay na kahulugan

Ng malaking pisara/sa tuwing susulatan

Nag karoon ng laman/para itong larawan

Ng isang kabataan/marami nalalaman



Itong mga pisara/ay gamitin ng tama

At baka sa hulihan/marahil magsisi ka

Hindi mo na mabasa/dahil ito ay sira

Kaya munting piraso/na lang ang natitira





Ito’y iyong punuin/ng mga kaalaman

Para rin nag karoon/ng silbit kabuluhan

Upang lahat kayo ay/mayroong matutunan

at ito ay magamit/sa ting kinabukasan

No comments:

Post a Comment