Pabula
Ito ay likha lamang ng ating guniguni
sa kabila ng lahat itoy di mangyayari
Karaniway ang hayop ang gumaganap dito
Minsay sinasamahan ng karaniwang tao
Ang mga kwentong itoy sa kanila ay batid
sa mga batang isip kaalaman ang hatid
katulad ng pilandok na muntik ng mapiit
dahil samga taong ditoy galit na galit
Ito ay panitikan na tawag din ay kata
Kung ating babasahin itong kwentong pabula
Na may kababalaghan at kwento ring masaya
Kapupulutang aral ng mga munting bata
Ang layuning pabula magpasaya ay likas
Sapagkat nag-aangking kariktang walang kupas
Kung siya ay lilikha may akday tinitiyak
Kapag itoy nabasa sa isip ay tatatak
Itong uring salaysay ipag ukol sa bata
Upang ang kaisipan ay palawaking kusa
Kahit itoy katha lang itong uring pabula
Pagyamaning nilikha ang paraang mabisa
Dapat pag ibayuhin ang kalamang hatid
Ang lahat ng salita na kaloob ng langit
Sa kwentong lumilikha salita syang naggawad
Nararapat syay tawaging isang huwad
Kung tayo ay kakatha ng sariling pabula
Ating itong alamin mga tamang pag gawa
Upang ang kaalamay iparating sa bata
Kalulugdan ngmadla ang sariling nilikha
Kung ating pakikigan itong kwentong salaysay
Kahit kathang isip lang itoy ay parang tunay
Mga kwentong nilikha katulad o kabagay
Ang mga kadungay sa atiy ibinigay
atin itong ihandog mga munting pabula
upang sa mga bata ay mag bigay ng tuwa
tayoy mag pasalamat sa lahat ng biyaya
ang pabulang nilikhay tunay na mahiwaga
tuad ng mga wika na dapat tangkilikin
itong kwentong pabula nakaloob sa atin
ang nilalaman nito tayo ay pasayahin
ating pagibayuhin at itoy pag yamanin
No comments:
Post a Comment